NAGBUO ang isang lalaking isang taon nang nakasadlak sa wheelchair makaraan ang aksidente, ng four wheeled mountain bike para sa mga may kapansanan.
Kamakailan ay sinubukan ni Calvin Williams ang kakaiba niyang imbensyon sa Snowdon at umaasang magkakaroon ng produksyon nito makaraan tumanggap ng papuri mula sa iba’t ibang bansa.
Si Mr. Williams ay nasadlak sa wheelchair ng 12 buwan makaraan dumanas ng pinsala sa binti nang mahulog mula sa 50 talampakang bangin sa Bracelet Bay noong 2004.
Pagkaraan nito, ginamit niya ang kanyang karanasan at background sa materials science sa pagbuo ng mountain bike na maaaring magamit ng mga tao, may kapansanan man o wala.
Ang end result ng Project Enduro, ay go kart style bicycle made na ginamitan ng “Formula 1 technology”.
Ang bike ay may carbon fiber seating at top end suspension technology.
Gayunman, dahil wala itong pedals, ito ay magagamit lamang sa palusong na daan.
Ang Project Enduro ay pinagkalooban ng £300,000 ng European Regional Development Fund money, via the Welsh Government, at nagtamo na rin ng £200,000 investment mula sa industrial partners.
(ORANGE QUIRKY NEWS)