Tuesday , December 24 2024

Misis, lover timbog kay mister

NAGBUNGA ang pagsisikap ng isang mister na mahuli ang pangangaliwa ng kanyang  misis nang maaktohan niya sa piling ng ibang lalaki kamakalawa ng hatinggabi sa Caloocan City.

Kulong ang  ang mga suspek na sina Pilar Bayani, 45, ng Pinagisahan, Antipolo City, at Angelito Paguia, 33, ng Block 31, Lot 3, Phase 3, Dagat-Dagatan, Brgy.14 ng nasabing lungsod, kapwa nahaharap sa kasong concubinage at addultery.

Batay sa salaysay ni Ricardo Bayani, 46, halos dalawang linggo niyang sinusundan ang kanyang misis dahil nahahalata na niya ang ginagawang pagtataksil.

“Marami na kasi akong naririnig na tsismis tungkol sa ginagawa ng misis ko at no’ng una hindi ako naniniwala at dahil lagi ako sa trabaho ko, pero napuno na ako at nahalata ko na rin na malamig na siya sa akin,kaya sinundan ko na siya”

Kamakalawa dakong 12:30 a.m. ay may nakapagturo kung nasaan ang kanyang misis.

Agad pinuntahan ni mister ang bahay ni Paguia at nahuli sa akto ang ginagawang pagtataksil ng kanyang misis.

Humingi ng tulong si mister sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *