LUMABAS sa kanilang classrooms ang mga estudyante ng Euloguio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) para suportahan ang kanilang kapwa mag-aaral na naglunsad ng “hunger strike” dahil pinagbawalang mag-enrol nang tutulan ang P1,000 “development fee” na sinisingil sa bawat estudyante. Ang EARIST ay chartered state college sa ilalim ng national government. (BONG SON)
WALANG alam ang Malacañang sa sitwasyon ng 30 estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) na naglunsad ng hunger strike kahapon dahil hindi pinayagang mag-enrol.
Inilagay ng administrasyon ng EARIST sa blacklist ang 30 estudyante at hindi pinahintulutang mag-enroll ngayong semester dahil sa paglahok sa kilos-protesta laban sa paniningil ng paaralan ng P1,000 development fee sa mga estudyante.
“We will ask… I am not familiar kung ano ‘yung… We will ask CHED (Commission on Higher Education) for clarification kung ano ‘yung… We are not familiar with the reasons for—kung bakit sila na-blacklist. We will ask for updates from CHED kung meron,” sabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Ngunit pumalag si Lacierda sa paninisi ng mga estudyante sa kapabayaan ng administrasyong Aquino sa mga state college and university.
Aniya, ang edukasyon ang pinaglaanan ng malaking bahagi ng pambansang budget mula 2012 hanggang 2014.
(ROSE NOVENARIO)