HINIYA ni Pinoy woodpusher Edmundo Gatus si IM Lian Ann Tan sa round five upang manatili sa unahan ng ASEAN+Age Group Championships – Seniors 50 Standard Chess kamakalawa na ginaganap sa Macau.
May four points na ang pambato ng Tondo, Manila na si Gatus (elo 2229) at kasalo nito ang makakalaban niya sa penultimate at six round na si seed No. 2 GM Meng Kong Wong (elo 2267) ng Singapore.
Kinaldag ni Wong ang kababayang si IM Peng Kong Chan (elo 2261)sa event na ipinatutupad ang seven rounds swiss system.
Nag-aagawan naman sa third to fourth place sina Vietnamese chessers na sina Dang Tat Thang (elo 2197) at top seed Van Huynh Ho (elo 2286).
Birahin si Ang Alphaeus Wei Ern (elo 1915) ng New Zealand.
(ARABELA PRINCESS DAWA)