ni Ed de leon
TALAGANG nakaaagaw ng simpatiya si Deniece Cornejo ngayon, lalo na noong ipakita ang kanyang ginawang birthday celebration sa loob ng kulungan. Pinuntahan siya ng mga kaanak niya, at nagpunta rin doon ang isa pang complainant laban kay Vhong Navarro na si Roxanne Cabanero. Iyon ang una nilang pagkikita.
Kung hindi siguro sa naging kaso nila ni Vhong, malamang na sa isang malaking lugar nag-celebrate si Deniece ng kanyang 23rd birthday.
Nagpunta rin doon ang isang Christian pastor na mukhang tumatayong spiritual adviser ni Deniece na ipinagdasal pa siya para sa kanyang birthday. Take note, nakaaagaw ng simpatiya ang ganyan.