ni Alex Brosas
SOBRA ang galit ng fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang Janine Martinez.
Recently kasi ay nag-trending topic worldwide si Janine Martinez.
Da who si Janine Martinez?
Siya raw ay isang solid KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla) fan na namatay umano dahil sa leukemia. But what made her story interesting is that bago namatay ay nag-message pa si Janine na gusto na niyang mamatay para libre niyang masubaybayan sina Kathryn at Daniel habang nagsu-shooting ng She’s Dating the Gangster.
Marami tuloy ang nakisimpatya nang pumanaw siya recently.
But it turned out na hindi pa pala siya patay. Nabuking ng Kathniel fans na peke pala itong si Janine, na hindi pala ito totoong Janine Martinez at gumawa lang siya ng eksena para pag-usapan sa social media.
“Death jokes aren’t funny at all! Janine Martinez, who ever you are, happy now? You made all the KN Fans believe you! God bless. :>” say ng isang female fan.
“Na-Janine Martinez tayo!” ‘Yan daw ang reaction ni Daniel.
Can Janine Martinez explain her side?