SUGATAN ang 15 biktima sa pagtagilid ng isang pampasahe-rong bus sa South Luzon Expressway (SLEX), Pasay City kamakalawa ng hapon.
Ang mga biktimang nasugatan ay pawang mga pasahero ng Antonina Bus (EVP-135).
Base sa ulat ng Highway Patrol Group (HPG), SLEX, naganap ang insidente dakong 2 p.m. sa Nichols, south bound lane, Pasay City.
Napag-alaman, mula sa terminal ng Pasay City ang natu-rang bus at patungong Sorsogon. Habang minamaneho ni Antonio Calitisin ang nasabing sasakyan nang bigla na lamang itong tumagilid pakaliwa ma-lapit sa toll plaza.
Ayon sa dri-ver na si Calitisin, iniwasan niya ang isang nag-cut na sasakyan dahilan upang sila’y tumama sa poste at napunta sa center island at tumagilid.
Natanggal ang dalawang gulong ng bus sa harap dahil sa insidente.
(JAJA GARCIA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com