ANG kopya ng tenga ni Vincent van Gogh na pinatubo gamit ang genetic material ng Dutch artist, ay naka-display sa German museum.
Ang tenga, naka-display sa Centre for Art and Media sa Karlsruhe, ay yari sa living cells na pinatubo mula sa samples na ibinigay ng great-great-grandson ng kapatid ng artist na si Theo.
“Lieuwe van Gogh shares about one-sixteenth of the same genes and loved the project straight away,” ayon sa museum.
Si Van Gogh, ang iconic 19th-century painter, ay sinasabing pinutol ang kanyang tenga habang dumaranas ng psychotic episode noong 1888.
Gumamit ng 3D printer sa paghugis ng cells, na pinatubo sa isang ospital sa Boston, USA, hawig ng pinutol na kaliwang tenga ng artist.
Sinabi ng artist na si Diemut Strebe, nais niyang pagsamahin ang art at science, idinagdag na: “I use science basically like a type of brush, like Vincent used paint.”
Ang tenga ay nakatakdang i-display sa New York sa susunod na taon.
Ang current exhibition ay tatagal ng hanggang Hulyo 6.
(ORANGE QUIRKY NEWS)