Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Soap ni Maricel sa GMA, too fast-forward

ni RONNIE CARRASCO

SINADYA naming abangan ang pilot episode noong Lunes ang ”real” soap sa GMA na tampok ang dalawang babae sa salawahang puso ni Dingdong Dantes.

Sa unang sultada nito, kumbaga sa table of contents ng isang libro ay inilatag na ang mga dapat matisod ng mga mambabasa from cover to cover. Na-establish na kasi ang mga pangunahing tauhan na iikot ang conflict ng kuwento.

Madalas nating kuwestiyonin bilang mga manonood ang pagiging dragging o pagkakaroon ng mabagal na progression sa kuwento, thus, we say na napaka-slow-paced ang paglalahad nito na mas pipiliin pa marahil ng viewer na matulog sa halip na maburyong.

In a sense, na-achieve naman ng soap na ito ang fast pace, only that it’s too fast-forward.

Opening scene, malugod na tinanggap ng karakter ni Maricel Soriano ang educational award ek-ek, palibhasa’y nasa academe ang kanyang ama. In-establish lang na isa siyang accomplished and career-oriented single woman na naghahanap ng tunay na mangingibig despite her age.

Sa isang eksena, sa pagsagip ni Maricel sa isang mag-inang muntik nang masagasaan ay siya ang napuruhan. Unconscious and sprawled on the ground, ang motorcycle rider na si Dingdong ang nagsalba sa kanyang buhay.

Next scene: magdyowa na sila! At may adopted child pa na may eksenang pagsasaluhan nilang mag-anak ang isang cake in their bedroom! This must be a welcome invitation sa mga langgam at hantik, that a tiny morsel of that cake ay puwedeng problemahin pa ng art department with the colonial attack of ants!

Kung sabagay, pilot episode pa lang naman ang aming napanood, as there might be some story-telling redemption sa mga susunod na palabas. Or so we hope.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …