Tuesday , December 24 2024

Sindikato wanted sa Araneta killings (CIDG pasok, local police inutil)

060914_FRONT

PINANGUNAHAN na   ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang paghanting sa mga miyembro ng sindikatong sinasabing pumatay sa community relations officer ng Carmel Development Inc. (CDI) na si Danny Mago sa Pangarap Village, Caloocan City kamakailan.

Ayon sa kinatawan ng CDI, bunga ng kabiguan ng local police na maaresto ang mga suspek kabilang ang isang lider na politiko na tumutustos sa kilos-protesta ng mga grupo ng squatters na hindi napaboran sa huling desisyon ng Korte Suprema.

“In Tuazon vs Register of Deeds case in 1988, the Supreme Court held that PD 293 is unconstitutional due to, among other things, the property was taken from the Araneta family without just compensation. Thus, all the titles emanated from PD 293 were declared invalid. This decision made all title holders as “squatters” or informal settler families,” paglilinaw ng kinatawan ng CDI.

Ibinasura rin ng Kataas-taasang Hukuman ang apela laban sa desisyon ng Caloocan City Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 52 na nag-uutos sa petitioner na si Moreto Mirallosa at mga kasama niya na umalis sa nasabing ari-arian.

“The previous local executives gave false promises to the poor families of Pangarap. They promised that the land will be theirs. Up to the present, even some local barangay officials and MAHAI (Malacañang Homeowners Association, Inc.) leaders mislead their constituents by claiming they have valid titles which the Supreme Court invalidated,” wika ng source.

Nabatid na aabot sa P2.5 milyon ang nakokolekta ng sindikato buwan-buwan mula sa 40,000 households na nagbabayad ng upa, serbisyo ng nakaw na koryente at protection racket kaya’t natutustusan ang pangha-harass sa community relations officer ng Carmel Development, Inc., na nagbibigay ng libreng relokasyon sa mga naturang residente.

Ang napipintong kusang pagbabaklas ng mga residente bunga ng alok na libreng pabahay ay nagbanta sa pagkadiskaril ng “raket” ng sindikatong sinasabing bumaril at nakapatay sa biktima.

Kabilang sa tinutugis ng CIDG ay ang mga kasabwat ng suspek na gumamit pa ng “hinihinalanag media vehicle” at “kaduda-dudang media personnel” upang i-set up ang interview sa biktima bago pinagbabaril nang walang laban.

Ang “Pangarap Village area” ay unang iginawad sa mga miyembro ng PSG batay sa isang presidential decree noong 1973 pero nang magpetisyon sa Korte Suprema ang Pamilya Araneta ay pinaboran ito kasabay ng utos na ‘balewalain’ ang nailabas na dokumento sa lupa kabilang ang ‘titulo’ na pinanghahawakan ng claimants.

Nilinaw ni Gregorio Araneta, chairman ng CDI, na idinaraan nila sa legal at mapayapang proseso ang pagpapaalis sa mga nakatira sa kanilang lupain at nagkukusa sila na umasiste sa   relokasyon pero kinokontra ito ng mga sindikato na kakutsaba ang ilang politiko na siyang maaapektohan sa pagkawala ng kanilang ‘mapagkakakitaan’ at ‘boto’ tuwing eleksiyon.

“It is important to note we don’t harass informal settlers because we use the legal system to achieve our objectives. The squatter syndicates use lies, rallies, harassment and now murder,” aniya.

Sa kabila ng payapa at lehitimo, gumagamit naman ng hindi lehitimong pamamaraan ang sindikato, pinakahuli ang pagpatay sa mga tauhan ng korporasyon na nag-aayos ng relokasyon at community service.

Sa pinakahuling ulat, nagbanta ang mga lider ng sindikato na iisa-isahin nilang papatayin ang mga tauhan ng Carmel Corporation at mga opisyal ng barangay na karamay ng kompanya kaya’t masusing sinisiyasat ng CIDG ang “Oplan Magic 13” na ipinagmalaki ng lider ng rally na ginanap noong patayin si Mago.

“When the relocation was gaining its momentum, the inability of government units to stop the legal actions of the company, the syndicates grow desperate and one of its desperate action is to kill employees of Carmel – Danny Mago,” pagdidiin pa ng source.

Ayon sa source, si Mago ay kaibigan at gusto ng lahat ng informal settlers sa lugar at matagumpay sa paghikayat sa kanila na tanggapin ang alok na relokasyon ng CDI.

“Karamihan sa informal settlers ay nagpahayag na handa silang lumipat sa relokasyon ngunit ayaw ito ng sindikato kaya nila pinatay si Mago,” wika ng source.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *