Tuesday , December 24 2024

QCPD official bumulagta sa tandem

PATAY agad ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD), nang tambangan ng riding-in-tandem sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Richard Albano ang pinaslang na si Insp. Rodelio Diongco, nakatalaga sa QCPD station 12.

Ayon kay S/Insp. Maricar Taqueban, hepe ng Public Information Office ng QCPD, naganap ang insidente sa IBP Road harap ng Civil Service Brgy. Batasan Hills dakong 2:10 p.m.

Napag-alaman, sakay ng kayang owner type jeep ang nasabing opisyal nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na agad tumakas sakay ng motorsiklong di naplakahan.

Sa ulat ng pulisya, nagawa pang makaganti ni Diongco sa mga suspek pero nag-jam ang kanyang baril.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng QCPD para sa ikakaaresto ng mga suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *