Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance, handang maging kamukha ni voldemort! (Pero iniligtas siya ng isang milagro…)

 

ni Nonie V. Nicasio

ISANG thanksgiving dinner ang ibinigay nina Mr. and Mrs. Danilo Raymundo at Nina Zaldua Raymundo, mga magulang ni Lance Raymundo bilang pagdiriwang ng kaarawan ng singer/actor at bilang pasasalamat na rin sa kanyang pangalawang buhay.

As usual, in high spirit si Lance nang makahuntahan namin. Hindi na ito kataka-taka dahil kahit noong hindi pa siya sumasailalim sa kanyang second surgery matapos mabagsakan ng 95 pounds na barbell ang kanyang mukha, madalas kaming mag-chat ni Lance.

At isa ito sa iki-nabilib ko sa kanya, ang matinding faith niya kay Lord.

“After nang nangyari sa akin, handa na ako sa magiging itsura ng face ko. Naisip ko talaga na hindi na babalik ang face ko, na naiplano ko na kung ano ang magiging buhay ko, kapag ganoon ang mukha ko. Kaya handa na ako sa magi-ging face ko, na ang itsura ko ay mas guwapo na sa akin si Voldemort ni Harry Potter.

“Kasi, mabubuhay ka naman kahit ano ‘yung face mo e, ‘di ba? Hindi ka naman kaila-ngan na cute e,” saad ni Lance.

Bakit kay Voldemort mo nai-compare ang iyong sarili after ng accident?

“Hindi ba si Voldemort, halos walang mukha? Halos wala rin akong mukha noon e. Actually, the pictures that they’ve showed, hindi lang nila ako nakunan at my worst, may mas malala pa roon e.”

Ano ang napi-feel mo kapag may nagsasabi sa iyo na iba na ang istura mo? “Well, it’s okay kasi ako mismo, alam ko na nagbago nga. Hindi maiiwasan, lalo na kasi nag-iba ‘yung buong mid-face ko. But all the positive feedback made it easier for me to adjust to my new face.”

Happy o satisfied ka ba sa face mo ngayon?

“I’m more than happy! Kasi yung gusto ko lang naman ay mabuhay at mabalik sa normal and function ng mata, ilong, at brain ko. So the fact na sabi ng marami ay nag-improve pa ako, I consider it a wonderful bonus po,” sagot ni Lance.

Mas gusto mo ba ang face mo ngayon o ‘yung dati?

“In terms of my job as an actor, I’m happy with my new face because of all the good feedback from both audience and industry people. But I will always love my original face because that is what I was born with.” Dagdag niya, “I’m still the same Lance that my family and friends have loved all these years, only wiser and with a stronger understanding of the power of faith. I’ve always been positive and close to God, and that’s one of the reasons I was able to hang on to life, even at the lowest point.”

Inamin din niyang nang naaksidente siya, inilagay na niya sa kanyang isip na wala na siyang shoiwbiz career.

“I was being realistic when I first saw my face, day one po iyon. Sa sobrang lala, I never thought na maaayos pa ang mukha ko. My main priority was just to survive e.”

Nagpapasalamat din si Lance na hindi naapektohan ang boses niya sa freak accident sa gym.

“No, hindi nagbago ang boses ko, the same pa rin.”

Bakit niya nasabing, nga-yong nakita n’yo ko, patunay ito na hindi photoshop ang mga picture ko? May intriga bang ganoon?

“Yes, pero not from showbiz, more from comments sa mga netizens. Na akala nila they’re like ‘pumogi ba ‘yan or phinotoshop lang ‘yung mukha e’”

Nabanggit din ni Lance na nagsisimula na siyang magtrabaho at maraming projects na naka-line-up a kanya. ‘Yung movie with Direk Elwood Perez, true to life mo ba ‘yun?

“No, it’s a full length film, movie talaga na slightly inspired lang ng nangyari sa akin. In fact, this is a movie na it’s been in development for the past ten years, matagal nang script ni Elwood. Tapos, ini-inject nya ‘yung portion para ma-incorporate ‘yung kuwento ko.

“Kasi, ‘yung kwento malapit rin naman sa nangyari sa akin. Kaya noong nakita niya ako sa news, actually ‘yung news report ni Ginger Conejero ang nag-spark ng idea sa kanya. So, I’m lucky kasi this movie is already fully funded and talagang rolling na, “May working title na, The Miracle Man.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …