Monday , December 23 2024

Hunger strike ng 30 EARIST students ngayon (Hindi pinayagan mag-enrol)

SISIMULAN ngayong araw ang hunger strike ng 30 estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) na hindi pinayagang makapag-enrol dahil sa pagtutol sa P1,000 development fee kada estudyante.

Ayon kay Christian Yamzon, media officer ng KAMAO EARIST ANAKBAYAN Metro Manila, kasama ng mga blacklisted na estudyante ang kanilang mga magulang at tagasuporta sa hunger strike ngayong umaga, gaganapin sa Valencia Gate ng kolehiyo, sa Nagtahan, Sta. Mesa, Maynila.

“As State Universities and Colleges open classes today, barred students of EARIST from enrolling this school year, with their parents and supporters will start their 5-day hunger strike and will mount their protest camp in from their campus in Manila to call for their administration and to President Benigno Simeon Aquino III to let them enroll this school year with no compromise,” ayon sa statement ng grupo.

Ang mahigit 30 estudyante ng EARIST ay pumalag nang hindi sila payagan ng presidente ng unibersidad na makapag-enrol dahil sa pagpalag sa illegal collection na P1,000 kada estudyante, na aabutin ng P25 milyon sa kabuuan.

Ayon sa grupo, ang five-day hunger strike ay matatapos lamang kapag ponayagan ang mga estudyante na makapag-enrol.

“Starting today also, they will hold overnight vigil outside their campus. Program and burning of masks of PNoy and their school president, waivers and EARIST logo will also be held all throughout the day today,” ayon kay Yamzon.

(leonartd basilio)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *