ANG Bhumisparsa Mudra ay nangangahulugan bilang “Touching the Earth, o “Calling the Earth To Witness the Truth” mudra.
Sa hand gesture na ito, nakababa ang nakabukas na palad, habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa hita.
Ang Bhumisparsa mudra ay sinasabing hand gesture ng Buddha kapag natamo ang kaliwanagan.
Ito ay representasyon nang hindi natitinag na katatagan at katotohanan sa pangakong kalayaan, na nakatulong upang mapangibabawan ang kadiliman (Mara) na sumubok sa kanya bago siya pumasok sa kaliwanagan.
Ang best feng shui placement para sa Bhumisparsa Buddha Hand gesture ay sa sentro ng tahanan, main entrance o sa altar.
Lady Choi