Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bohol COP, Batangas ex-mayor itinumba

PATAY sa ambush ang hepe ng pulisya sa Ubay, Bohol kamakalawa ng gabi, habang binawian din ng buhay ang dating mayor ng Batangas makaraan tambangan kahapon ng umaga.

Pinalawak pa ng mga tauhan ng Talibon Police Station sa Bohol ang imbestigasyon kaugnay sa pag-ambush sa hepe ng pulisya.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital si Chief Insp. George Salcedo Caña, makaraan tambangan ng armadong mga lalaki.

Ayon kay Talibon Police Station chief, Senior Supt. Edward Sanchez, galing sa kanilang bahay ang biktima at papunta sana sa police station.

Nasa kalagitnaan ng biyahe si Caña sa Brgy. Balintawak nang tambangan ng hindi nakilalang suspek sakay ng isang itim na sasakyang walang plate number.

Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring krimen.

Isa sa tinitingnang anggulo ay may kaugnayan sa trabaho dahil halos mga drug lord ang kanyang nahuhuli.

Nabatid din na marami nang banta sa buhay na natatanggap si Caña.

Samantala, agad binawian ng buhay ang 57-anyos dating mayor ng Mataas Na Kahoy sa Batangas, makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa kanilang bayan kahapon ng umaga.

Kinilala ni Mataas Na Kahoy police chief, Senior Inspector Alfredo Lorin Jr., ang biktimang si Arnulfo Rivera, residente Brgy. Calingatan, at dating mayor ng bayan ng Mataas na Kahoy mula taon 1998 hanggang 2001.

Ayon sa ulat, kadadalo lamang ni Rivera sa Sunday mass sa kanilang chapel sa Brgy. Calingatan at habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay nang pagbabarilin dakong 10 a.m.

Ayon sa mga tetigo, tumakas ang suspek lulan ng naghihintay na motorsiklo patungo sa hindi nabatid na direksyon.

Isinugod ang biktima sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City ngunit binawian ng buhay dakong 12:15 p.m.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa krimen.

2 suspek

sa Urbiztondo

mayor tukoy na

DAGUPAN CITY – May hawak nang testigo ang binuong Special Investigation Task Group na nag-iimbestiga sa kasong pagpaslang kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr. at dalawang iba pa.

Kinilala ng testigo ang ilan sa mga suspek na sina Eduardo de Guzman, 65, ng Brgy. Salomague Norte, Bugallon; at Marito “Mar” Sarmiento, 38, residente ng Pangascasan, Bugallon.

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …