ni RONNIE CARRASCO
Again, ang unang episode ng soap na ‘yon was very presscon-like (na hindi po imbitado ang inyong lingkod for some reason) . Kung paanong isa-isang ipinakilala ang mga bumubuo ng cast ng palabas na ‘yon sa launch nito is exactly the same as the grand event.
Samantala, may natanggap kaming tsika tungkol sa palabirong pagtataray ni Maricel sa kanyang co-star sa soap na si Alessandra de Rossi. Papel na dating nobya ng male lead ang ginagampanan ni Alex, na naging ka-close na rin ng karakter ni Maricel.
Pero hindi ito ang catch.
It was Maricel and Alex’s first time to meet, pero hindi na raw bago sa pandinig ng Diamond Star ang pangalan ng huli. Bungad daw ni Maricel kay Alex, ”Balita ko maingay ka raw, puwes, pagdating sa set, ako lang ang may karapatang mag-ingay, ha?!”
Of course, Maricel said in it jest. Tulad niya, bakla rin si Alex.