NANAWAGAN ang Malacañang kahapon kay whistleblowers’ association president Sandra Cam na huwag ilalabas ang sinasabing sex videos ni Justice Secretary Leila de Lima kapag kinompirma ng Commission on Appointment (CA) ang kalihim.
Nakiusap si Deputy presidential spokesperson Abigail Valte kay Cam na huwag gamitin ang CA bilang venue sa “what-ever ax it is you have to personally grind” laban kay De Lima.
“Kung hindi natin makuha ang gusto, siguro huwag gawing venue ang CA para ituloy pa whatever ax it is you have to personally grind against Sec. De Lima,” pahayag ni Valte.
Nagtakda ang CA ng panibagong confirmation hearing para kay De Lima sa Hunyo 11.
Nauna rito, iniulat na nakatanggap si Cam ng four cuts ng sinasabing sex videos ni De Lima sa kanyang driver at bodyguard.
Nitong Miyerkoles, tinutulan ni Cam ang kompirmasyon ni De Lima at idiniing ang kalihim ay may “illicit affairs.”
HATAW News Team