LEGAZPI CITY – Huli sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya ang isang mataas na opisyal ng rebeldeng New People’s Army sa lalawigan ng Masbate.
Kinilala ang naaresto na si Ronnel Arquillo alyas Ka Hapon at Ka Noli, 35, itinuturing bilang No.7 most wanted sa Bicol Region at may patong sa ulo na P 800,000.
Nadakip si Arquillo sa bahagi ng Brgy. Poblacion, Mobo, Masbate habang nasa kanyang safe house.
Bukod sa pagiging opisyal ng Executive Committee ng NPA Bicol Regional Party Committee, may kaso din siyang murder at attempted murder sa Daet, Camarines Norte.