Monday , December 23 2024

Cebu mayor, 7 opisyal, 12 taon kulong sa graft

CEBU CITY – Hinatulan ng 12 taon pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang isang alkalde ng Aloguinsan Cebu at pito pang opisyal makaraan napatunayan sa paglabag ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang pagbili ng aluminum composites noong 2007.

Ang mga hinatulan ay sina Mayor Cynthia Moreno, municipal civil registrar, Bids and Awards Committee (BAC) chairman Pepito Manguilimotan; municipal budget officer at BAC vice chairman Nonel Villegas; municipal agricultural officer Marilyn Flordeliza; BAC member Gertrudes Ababon; municipal assessor John Lim; municipal engineer, pangulo ng technical working group Orven Nengasca, at BAC member Emilia Luz Celis.

Ayon kay Moreno, maghahain sila ng apela kaugnay sa inilabas na desisyon.

Iginiit ng mga hinatulan na politika ang motibo sa pagsampa ng kaso ni ex-Councilor Felimon Georsua.

Kaugnay nito, may 15 araw sina Moreno at kasamahan na maghain ng apela at maghain ng P30,000 itinakdang piyansa.

Kung maalala, sinampahan ng kaso ang alkalde at pito pang opisyal makaraan bumili ng aluminum composites na umabot sa P1,118,635 na hindi dumaan sa bidding.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *