Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utol, misis ‘may relasyon’ inutas ni mister

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Mandaue City, Cebu dahil sa pagpatay sa kanyang misis at sariling kapatid dahil sa hinalang may relasyon ang dalawa.

Natagpuan nitong Huwebes ang bangkay ni Ashela Antipuesto na may tama ng bala sa dibdib sa kanilang apartment.

Kwento ng mga kapitbahay ni Antipuesto, narinig nilang nagtatalo ang biktima at ang mister niyang si Flint Toling.

Hindi nagtagal, nakarinig na sila ng putok ng baril.

Kasunod nito, sinugod ng suspek ang sarili niyang kapatid na si Jason Toling at pinatay din sa pamamagitan ng pagbaril.

Mabilis na nagresponde ang mga pulis at nahuli ang suspek na hawak pa ang baril na ginamit.

Lumitaw sa imbestigasyon, nagalit ang suspek sa kanyang kapatid  sa hinalang nakikipagrelasyon kay Antipuesto.

Desidido ang iba pang kapatid ng suspek na kasuhan siya.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …