Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Bong, nagiging isnabero na raw

ni ROLDAN CASTRO

ANO ba naman ‘yan, gawan ba ng isyu si Senator Bong Revilla na  isnabero? Nagpunta ‘yung tao para makiramay sa pamilya  ni Mrs. Azucena “Nene” Vera Perez hindi para pagbabatiin niya isa-isa ang mga taong naroon.

Sa rami ng mga taong nakikiramay, normal lang na hindi mapansin lahat ni Senator Bong ang mga nandoon.

‘Wag  masyadong sensitive  at maging malawak ang utak sa mga situwasyon, ‘no?

At para lalong lumawak ang inyong pananaw sa buhay, tutok na sa  Kap’s Amazing Stories.

MS. JACKIE NA EX-MANAGER NI TYRONE, NAGBANTA KAY YVONNE BENAVIDEZ

GRABE naman magsalita  ang nagngangalang Yvonne Benavidez na pinatungkulan niya na may  insektong nakasisira sa singing career ni Tyrone Oneza.

Nasulat sa isang tabloid, ”dapat kasi, para maging maganda ang takbo ng career ni Tyrone, ang mga insekto dapat pinapatay, mga taong hindi nakatutulong sa career ni Tyrone, ‘yon ang dapat tanggalin, kasi sila ‘yung insekto….the insects in Tyrone career might be the recording artist’s ex-girlfriend, who is also the current manager of a singing comedian Mojak.”

Si Ms. Jackie Dayoha ba ang tinutukoy niya?

Para malaman ni Yvonne, si Jackie Dayoha ang nagdugtong ng pangarap ni Edwin ‘Tyrone’ Oneza para matupad ang record album na Dito Sa ‘King Piling. Tatlong milyon na umano ang nagastos ni Miss Jackie sa pagbabalik ni Tyrone at para magkaroon ng album.

“Insekto pa ang turing niya sa akin, dugo at pawis ko ang ipinuhunan para mabuo ang kanyang binalikang pangarap. Para malaman ng bagong manager ni Tyrone, ako ang record producer at pera ko lamang ang ginamit sa ‘Dito Sa ‘King Piling’.

“Ito lang paalala ko kay Ms. Yvonne, tutal siya ngayon ang bagong manager ni Tyrone, ipagprodyus na lang niya ng record album si Tyrone, huwag na huwag niyang magagamit sa launching at mall tours ang ipinrodyus kong album. Kailangan niyang manalamin muna bago siya magsalita. Subukan niya ang magic mirror ni Boy Abunda para malaman niyang ang katotohanan. Tingin mo sa amin insekto, tumingin ka na ba sa paligid mo, nandyan lang insekto. Isang paalala kay Yvonne, nagkonsulta na ako sa aking abogado. Kung gusto mo ng labanan, magkita na lang tayo sa korte,” pagbabanta ni Ms. Jackie.

May patutsada rin si Yvonne na kung gustong sumikat ng singer/ comedian na Mojak Perez ay dapat ding mawala raw ang insekto na nasa paligid nito. Kasalukuyang mina-manage ni Ms. Jackie si Mojak

Sey ni Ms. Jackie, insekto ba ‘yung tumulong sa mahirap na gaya ni Mojak at gustong maiangat ang pamilya?

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …