ni DOMINIC REA
HINDI maitago ni Mamang Pokwang ang kanyang pagnanasa sa leading man nitong si Zanjoe Marudo.
Ayon kay Mamang Pokwang, “kahit sinong babae kung ganito ka-guwapo ang lalaki, naku, ewan ko na lang!” kuwelang tugon pa sa amin ni Mamang.
Pinag-usapan kasi ang eksenang seksi nilang dalawa ni Zanjoe. Napakaraming kissing scenes rin daw ang kinunan sa kanilang dalawa.
“Hahaha! Naku! Thousand time ‘yun! Charot lang! Basta! Panoorin na lang nila ang pelikula. Sobrang maaaliw kayo,” aniya.
Inamin ni Mamang na masaya ito ngayon sa kanyang pribadong buhay.
“Hayaan mo na muna! Hindi naman sa ayaw ko na. Kapag may dumating, bagets man o kung anuman, sige, go na lang ng go! Bahala na! Hahaha! Hindi ko na masyadong iniisip. Hanapbuhay na lang ako,” aniyang bungisngis pang tsika sa aming panayam.