Tuesday , December 24 2024

Pamilya huli sa Marijuana

 060714 marijuana arrest

ARESTADO ang walong miyembro ng pamilya Arabia makaraan mahuli sa aktong nagbabalot ng marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City, sa isinagawang raid kamakalwa ng gabi ng mga operatiba ng NPD-District Special Operation Unit (DSOU). (ALEX MENDOZA)

Arestado ang walong miyembro ng pamilya Arabia, nang maaktuhang nagre-repack ng pinatuyong marijuana sa kanilang bahay sa Purok 1, Camarin, Caloocan City, iniulat kahapon.

Ayon sa natanggap na ulat ni Chief Inspector Ronald Perilla, nagsisilbing tiangge ng marijuana ang bahay ng pamilya na posibleng doon din ginagamit ang biniling marijuana.

Kinilala ang mga naarestong sina Rodito Arabia, Rosalie Arabia, Bernie Grande, Ernesto Vicio, Rochelle Arabia, Marivic Labajoy, Joseph Arabia at Cindy Periano pawang ng nasabing lugar.

Narekober ng Special Operations Unit ng Northern Police District (NPD) ang apat na bloke ng marijuana, tatlong sachet ng shabu, isang sumpak at anim na bala ng kaibre .38 baril.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (anti-dangerous drugs law) at Republic Act 10591 (illegal possession of firearms and ammunition).

7 ARESTADO SA TIANGGE NG SHABU

DAHIL sa nagwawalang lalaki, nalambat ng  pinagsanib na operasyon ng District Special Operation Unit (DSOU)  at ng  Station Anti-illegal Drugs (SAID)  ang pito katao habang gumagamit ng shabu at nagre-repack ng marijuana sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala  ang mga nadakip na  mag-asawang  Ador Ian, 37, at misis niyang si Junesa   Osorio, 30, kapwa residente ng #161-A Falcon St., Brgy. 70; George Evangelista, 38, ng Kampupot St., 11th Ave.; Hubert  Bautista, 38, ng 469 Int. Heroes del 96; Benjamin P. Davao, 27, ng Bustamante St., Brgy. 86; Raymund Hernandez, 27, ng Block 2, Damata,  Brgy. Tonsuya, Malabon at Angel  Acuña, Jr., 53, ng Massabille St., 9th Ave., Caloocan City.

Nakatakas ang nagwawalang suspek pero nakompiska sa sinasabing drug den ang dalawang (2) plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at isang .9mm pistol.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *