SINIBAK ni Pangulong Benigno Aquino III si Carmelita Dimzon bilang administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ipinalit sa kanya si Labor Assistant Secretary Rebecca Calzado.
Inihayag kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ang pagtalaga kay Calzado ngunit hindi niya binanggit ang dahilan sa pagtanggal kay Dimzon.
Magugunitang sa administrasyon ni Dimzon ay nasangkot ang ilang welfare officers sa Middle East sa sex for flight scheme na inireklamo ng ilang overseas Filipino workers (OFWs), sinasabing ibinugaw sila sa mga Arabo kapalit nang pagkakaloob sa kanila ng tiket pauwi sa Filipinas.
Inanunsiyo rin ni Valte ang nominasyon nina Domingo Nolasco bilang ambassador extraordinary and plenipotentiary to Italy; Wilfredo Santos, ambassador extraordinary and plenipotentiary to Qatar; Melita Sta. Maria-Thomeczek, ambassador extraordinary and plenipotentiary to Germany, at Nathaniel Imperial, ambassador extraordinary and plenipotentiary to Israel.
Itinalaga rin aniya ng Pangulo si Pericles Dakay bilang chairmanng Philippine Contractors Accreditation Board; Victorino Benjamin at Farouk Macarambon, Sr, bilang mga miyembro ng Philippine Contractors Accreditation Board.
Habang si Francis Gealogo,bilang miyembro ng board na kinatawan ng private sector sa National Historical Commission of the Philippines (NCCA), at Reydeluz Conferido, undersecretary, DOLE. (ROSE NOVENARIO)