ni Danny Vibas
BAKLAIN kaya ni Arnel Ignacio ‘yung role n’ya bilang Fernan sa Rak of Aegis musical ng PETA (Philippine Educational Theater A ssociation) na magsisimula nang ipalabas sa June 20?
Ka-alternate nina Julienne Mendoza at Nor Domingo si Arnel bilang Fernan, ang developer ng subdivision na may diperensiya ang drainage system kaya noong bumagyo ay sa Barangay Venezia lumagak ang baha, at napinsala ang kabuhayan ng mga taga-barangay na mga manggagawa ng sapatos.
Si Julienne ang napanood namin na gumaganap na Fernan sa orihinal na pagtatanghal—at hindi bading ang interpretasyon n’ya sa nasabing role. Ini-imply pa nga sa mga kilos n’ya na sexually interested siya sa karakter na ginagampanan ni Isay Alvarez bilang barangay chairman at mayari ng shoe factory sa barangay na ‘yon.
Kakayanin kaya ni Arnel na gu manap sa entablado na lalaking-lalaki?
Sa isang stage play pa lang namin napanood si Arnel, at ‘yon ay sa Sayaw ng mga Senyorita, na isang umaatikabong bading ang papel n’ya (at tungkol naman talaga sa mga kabadingan ang nasabing dula. Pero kung hindi n’ya kaya, payagan kaya siya ng direkt or ng Rak of Aegis na si Maribel Legar- da na gampanan n’ya ang karakter ni Fernan bilang isang bading?
Actually, may isa talagang bading na kar akter sa Rak—si Jewel na isa sa mga gaganap sa repeat season ng musical ay si Jimmy Marquez (na naging runner-up noon sa isang TV singing contest. Ayaw nga sigurong baklain nina Maribel at L iza Magtoto (writer ng Rak) ang musical nila kaya isang bading na karakter lang ang isinama nila sa istorya ng pagbangon sa lusak ng isang barangay na binaha.