Wednesday , November 6 2024

3 anak ini-hostage ng amang ex-con

CEBU CITY – Tumagal ng siyam na oras ang ginawang negosasyon ng mga awtoridad sa isang ama na nang-hostage sa tatlo niyang mga anak sa Sitio Camalig Bato, Brgy. Tabok, Lungsod ng Danao, Cebu, simula kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Eduardito Durano, 49, walang trabaho, residente sa nasabing lugar at isang ex-convict.

Ayon kay Sr. Insp. Cesar Misola, hepe ng Danao Police, may natanggap silang alarma pasado-10:30 p.m. mula sa isang concerned citizen na may namataang armadong lalaki sa naturang lugar.

Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad at naabutan pa nila si Durano ngunit tumakas sakay ng Pajero (JFH577).

Hinabol ng mga awtoridad ang suspek hanggang sa makaabot na sila sa bahay ng salarin na bumaba at tumakbo papasok sa kanilang tahanan.

Nagkataong naroon ang tatlong mga anak ng suspek na kanyang ini-hostage.

Nagbabala si Durano na may masamang mangyayari kung susubukan ng mga awtoridad na sumugod.

Sinabi rin niya na susuko lamang siya kung pupunta ang ex-mayor sa naturang siyudad na kamag-anak din niya.

Pagkalipas ng ilang oras ay nag-demand siya ng sasakyan para makapunta sa ospital para mapatingin ang sakit niya sa puso.

Agad ipinarada ng mga awtoridad ang Pajero ng suspek malapit sa pintuan ng bahay ngunit sa aktong sasakay na ay nalaman na pulis pala ang nagmamaneho sa naturang sasakyan.

Nagtangka pang tumakas ang suspek ngunit agad naharang ng mga awtoridad.

Nakuha sa sasakyan ng suspek ang limang pakete ng shabu at isang rifle grenade.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang ama habang nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development ang kanyang tatlong mga anak.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *