UMABOT lang sa 2,070, o katumbas ng 16.39% ang pumasa sa mga kumuha sa Philippine National Police (PNP) Entrance Exam ng National Police Commission (NAPOLCOM).
Ang nasabing resulta ay mula sa kabuuang 12,631 examinees sa katatapos na PNP entrance examination noong Abril 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ani NAPOLCOM Vice-Chair and Executive Officer Eduardo Escueta, ayon ito sa partial list ng mga nakapasang aplikante para sa PNP Entrance and Promotional Examinations, na maaga nilang inilabas.
Nilinaw ni Escueta na ang agarang pagpapalabas ng bahagi ng resulta ng eksaminasyon ay alinsunod sa ipinangako ng ahensya sa PNP at Department of Budget and Management kasabay ng nagpapatuloy na recruitment process na dumadaan sa kaukulang pagsasala.
Diin ni Escueta, mula sa kabuuang 10,673 na kumuha ng Promotional Exam para sa ranggong Police Officers, umabot sa 2,084, o katumbas ng 26.27% ang mga nakapasa.
Habang 1,742, o katumbas ng 20.82% naman ang nakapasa sa pagsusulit mula sa kabuuang 8,367 para sa Senior Police Officers.