Saturday , November 23 2024

Starlet ‘date’ sa ospital ng drug lord

NATUKOY na ng Department of Justice (DoJ) kung sino ang sinasabing starlet na pinapasok sa hospital room ng convicted drug lord na si Ricardo Camata nang dalhin ang preso sa bahay pagamutan noong nakaraang buwan.

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III, si Krista Miller ang dumalaw kay Camata noong Mayo 31 sa Metropolitan Hospital sa Maynila.

Sinabi ni Baraan, sa kanyang pag-review sa CCTV footage ng ospital, “sapol na sapol” na ang starlet ang bumisita kay Camata.

Inamin na rin aniya ito ni Camata sa Bureau of Corrections.

Higit isang oras aniyang nanatili si Miller sa silid ng Sputnik Gang leader.

Kasama ni Miller ang dalawang lalaki na sinasabing dancer.

Noong Hunyo 1 bumalik ang dalawang lalaki sa silid ni Camata ngunit dalawang babae na ang kasama na hindi pa natutukoy kung sino.

Ayon kay Baraan, sa kanyang pag-review sa CCTV, masasabing walang sakit si Camata at malakas habang pa-text-text pa sa hallway ng ospital.

Hindi rin kinuha ang pangalan o idinaan sa inspeksyon ng mga gwardiya ang mga dumalaw kay Camata.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *