Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo, ibang-iba na ang aura ngayon!

ni Dominic Rea

WELL ATTENDED ang katatapos na grand presscon ng inaabangang seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan nina Albert Martinez, Bea Alonzo, at Paulo Avelino na mapapanood natin simula ngayong Hunyo 16 sa Kapamilya Primetime.

Ang timeslot ng pinag-uusapang seryeng The Legal Wife ang papasukan ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na naging kampante naman ang dalawang direktor nitong sina Trina Dayrit at Jerome Pobocan sa pagsasabing they will hit the ratings!

“I’m confident that we’ll hit the ratings. We are confident of our series. Lalo na sa mga actor namin. They are all good,” sez the two directors. Hindi rin daw maiwasang kabahan ng Movie Queen of this generation na si Bea Alonzo.

“Actually, sa totoo lang, kinakabahan po talaga ako. Hindi ko kailangang magsinungaling. Pero sa trailer pa lang po ng serye namin, alam kong magugustuhan nila ang proyekto naming ito na pinaghirapan naming lahat upang maging maganda. Kaya sana suportahan din nila dahil kakaiba po itong SBAK sa mga teleseryeng ginawa ko na,” sez Bea.

Hindi naman maipinta ang tuwang naramdaman ni Bea nang deretsahang pinuri siya ng All Time Movie Queen na si Susan Roces.

“With her body of work, hindi na ako magtataka at walang pag-aalinlangang si Bea Alonzo is this generations Movie Queen. Napakasipag na bata at napakagaling niya talagang artista!” sez Susan during the said presscon.

Hindi rin nakawala sa mata ng entertainment press ang blooming na si Paulo. Mukhang maaliwalas na raw ngayon ang aura ni Paulo kompara noong mga nagdaang buwan.

“Ah, masaya lang po. Actually, happy lang po talaga ako ngayon,” sez Paulo. Ikinatutuwa ni Paulo ang mga biyayang natatanggap niya ngayon sa kanyang karera.

“Ang ‘SBAK’ ay siyang masasabi kong biggest project po na dumating sa akin. Kasama ko po ang mga naglalakihang artista natin sa industriyang ito, best directors, kaya masasabi kong espesyal po sa akin ang seryeng ito. Sana po suportahan natin,” pagtatapos ni Paulo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …