Friday , May 2 2025

Parker posibleng maglaro sa game 1

MAY iniindang injury sa kaliwang paa si San Antonio Spurs point guard Tony Parker kaya naman napabalitang hindi ito makakapaglaro kontra two-time defending champions Miami Heat sa Game 1 Finals ng 2013-14 National Basketball Association, (NBA) na gaganapin sa Sabado, (Biyernes ng umaga sa Pilipinas).

Subalit ayon sa star player ng Spurs na si Parker ay plano nitong maglaro sa Game 1.

‘’I always try to be honest with Pop,’’ wika ni Parker. ‘’He knows, but if I’m 50 percent I’ll try to play. If I’m under 50 percent, we can argue.’’

Napilayan si Parker sa first half ng Game 6 Western Conference Finals kontra Oklahoma City Thunder kung saan nanaig ang San Antonio, 112-107.

‘’He’s getting better every day and I expect him to play,’’ ani coach Gregg Popovich.

May average na 17.2 points at 4.9 assists si Parker ngayong postseason subalit bumababa ang kanyang laro dahil sa mga injuries sa huling dalawang rounds.

‘’I don’t like to talk about when I’m hurt,’’ anang Parker. ‘’I played on it for the whole series against Portland. That’s why I think my hamstring got hurt because I was playing on a bad ankle.’’

Samantala, nagkampeon ang Heat sa Eastern Conference matapos kaldagin ang Indiana Pacers , 4-2 sa kanilang best-of-seven series.

Muling sasandal ang Heat kay basketball superstar at four-time NBA MVP LeBron James.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *