BAHALA na ang Commission on Audit (COA) kung anong hakbang ang gagawin laban kay ER Ejercito na nadiskwalipika bilang gobernador ng Laguna dahil sa overspending.
Ito ang pahayag ni Laguna Governor Ramil Hernandez kasunod ng pagbubunyag na mayroong mahigit P1 billion na utang sa banko ang kanilang lalawigan.
Sinabi ng bagong gobernador, walang masama sa pag-utang ngunit dapat tiyakin na sa magandang bagay ito napunta.
Kaugnay nito, sinabi ni Hernandez na mino-monitor niya ang magiging findings ng COA kaugnay sa unliquidated at hindi maipaliwanag na pinaglaanan ng pondo.
Nabanggit ni Hernandez ang labis na paggastos ni ER noong kampanya gayong marami na palang utang ang Laguna.