Friday , November 22 2024

Korengal: Ang Afghan ‘Valley of Death’

NAPAKAPAMBIHIRA ng sikolohikal na karanasan sa digmaan kaya hindi malayong nauunawaan lamang ito ng mismong nakararanas ng madugong labanan.

Sa kabila nito, ipinapakita ngayon ng bagong dokumentaryo ang mas malalim na pag-unawa sa mga komplikadong emosyon—mula sa takot hanggang sa adrenaline rush—na kinakaharap ng mga sundalo habang nasa front line ng digmaan.

Sa bagong dokumentaryong Korengal, na sequel ng Oscar-nominated film na Restrepo, dadalhin ng veteran war filmmaker na si Sebastian Junger ang kanyang audience sa front lines ng digmaan sa Afghanistan sa mata ng isang platoon ng U.S. infantry soldiers sa Korengal Valley.

Sa kanyang paghimay sa sikolohikal na impact ng deployment ng mga sundalo, napatunayan ni Junger na ang takot ay pinakamatinding emosyon na hinaharap ng mga sundalo.

“Takot lahat sila sa laban. Ako rin, lahat kami,” ani Junger. “Ang tanong: Kaya mo bang labanan ang iyong takot at gawin ang iyong tungkulin?”

Habang itinuturing ng mga outsider ang kamatayan bilang pangunahing takot sa digmaan, mas mabigat na dalahin ng mga sundalo ang takot na biguin ang kanilang kasamahan habang nagsisilbi ng ‘in the line of duty’ sa Korengal Valley.

“Pangunahin sa kanilang kaisipan ang maging dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga kasamang sundalo …” dagdag ni Junger.

Sinabi ng batikang filmmaker, habang karamihan sa mga sundalo ay nagagawang paglabanan ang kanilang takot, nagpahayag ang isa sa kanila na napa-paralyze rin sila sa napakalakas na emosyon na kanilang nararamdaman.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *