Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hook Shot horse to watch

Bahagyang patapos na ang usapin tungkol kina Hagdang Bato at Pugad Lawin, dahil ang panibagong topic nila ay kung sino ang magandang maidagdag o makalaban ng isa sa kanila sa sunod na maisali sila. Kaya naman inaabangan na ng mga BKs ang lalargahan sa darating na Linggo na 2014 PHILRACOM “3rd Leg, Imported/Local Challenge Race” sa pista ng Metro Turf. Iyan ay kinabibilangan ng mga kabayong sina Classy And Swift, Crusis, Excelsia, Oh Oh Seven, Pinespun at Strong Champion.

Ang pangunahing napagpipilian diyan ay sina Crusis at Strong Champion na dikit lamang nagkatalo nung nakaraan, pero kapag oras na magkaroon ng maagang mainitang bakbakan sa harapan ay malamang na makasilat ang mga dehadong sina Oh Oh Seven at Pinespun dahil pabor sa kanila ang haba ng distansiya. Kaya huwag palalagpasin ang tampok na pakarerang iyan mga klasmeyts.

Nung isang araw ay napanood ko ang takbuhan ng Novato race sa pista ng SLLP na napagwagian ng bagitong mananakbo na si Hook Shot na pinatnubayan ni Jeff Zarate, na para sa akin ay isang horse to watch at contender sa grupo ng Juvenile Fillies.

Bukod sa kanya ay hindi rin pahuhuli ang tindig ang pangangatawan ng mga nakalaban niya na pang Juvenile Colts na sina Buzzer Beater ni Mark Alvarez, kasama ang nagdikta ng harapan at nagpatay trangko na lamang sa rektahan na si Super Spicy na nirendahan ni Dunoy Raquel Jr. Kaya tutukan ang kanilang itatakbo at gagawing tiyempo sa maiden race.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …