TINUTUTUKAN ng pulisya ang motibong away sa larong DOTA o love triangle sa pagpatay sa isang college student ng Mindanao State University (MSU) main campus kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Samuel Go III, 22, residente ng Purok Subang, Brgy. San Juan, sa Alegria, Surigao del Norte.
Si Go ay graduating sana sa kursong Bachelor of Science in Agricultural Engineering.
Base sa imbestigayon ng mga awtoridad, love triangle ang isa sa nakikita nilang dahilan ng pamamaril dahil sa pagkakaugnay ng biktima sa babaeng Tausug, at ang posibilidad na may nakaaway sa larong DOTA.
Napag-alaman, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan sa isang commercial center para maghapunan nang bigla na lamang pagbabarilin. (BETH JULIAN)