Sunday , December 22 2024

Ba’t ‘di masugpo ang droga sa bansa?

KUNG ano-ano ang isinisisi sa paglobo ng pagbasak ng droga sa bansa … kung sino-sino pa ang sinisisi sa pagdami ng mga gumagamit ng shabu sa bawat sulok ng bansa.

Pero sa kabila ng kung ano-anong isinasagawang operasyon o kampanya laban sa nakamamatay na droga, bakit kaya hindi masugpo-sugpo ang suliraning ito at sa halip pa nga, rito na mismo sa bansa niluluto ng mga dayuhan ang mga shabu.

Bakit nga ba hindi masugpo-sugpo ang droga sa bansa?

Hinala ng marami – dahil sa ipinabigay na proteksyon ng mga tiwali sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagdurog (daw) sa sindikato ng droga.

May mga hinala rin dahil daw sa proteksyon ng ilang maiimpluwensiya sa pamahalaan – kaya nagiging untouchable ang isang sindikato kundi man ay nagbibigay lakas loob sa sindikato para magkalat sa bansa.

May mga hinala rin na may matataas na opisyal sa gobyerno (politicians) ang nasa likod daw nito.

Pulos hinala na may katotohanan. Isa nga sa isang patunay ang makontrobersyal na pagpaslang sa isang pulis Major sa Mandaluyong kamakailan nang ikanta niya ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nasa likod sa pagkakalat ng droga sa bansa.

Nakalulungkot na balita – pinatay ang matinong pulis sa pagsusumbong sa mga kapwa nasangkot sa droga o mga patong sa drug syndicate. Pinatay ang pulis para tuluyang mamatay din ang isyu.

Ano pa man ay pulos hinala pa rin ang lahat na ilang taga-PNP ang nasa likod ng sindikato ng droga.

Ngunit ang hinala ay tila totoo este, hindi lang pala tila kundi totoo ang hinala nang mapatunayan ito ng Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kamakalawa.

Napatunayan ito nang matuklasan na ang pinagkakatiwalaang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing pangunahing ahensya para durugin ang mga sindikato ng droga sa bansa, ang nasa likod ng mga sindikato.

Este hindi pala ang PDEA kundi ilan sa mga tauhan ng PDEA ang masasabing dahilan ng pagtaas pa rin ng pagkakalat ng droga sa bansa.

Ito ay makaraang mabuko ng QCPD na pinamumunuan ni Chief Supt. Richard Albano bilang director, sa pamamagitan ng tropa ng CIDU, ang baluktot na lakad ng ilang tauhan ng PDEA.

Buko ang lakad ng PDEA na kotong – operasyon o di kaya bangketa istayl nang magsagawa ng operasyon laban sa kanila ang CIDU.

Kamakalawa, sinalakay ng tatlong PDEA agents ang sinasabi nilang bahay na sangkot sa droga. Isang ginang ang kanilang inaresto sa Camachile, Quezon City. Pinalalabas nilang sangkot sa droga ang ale. Inaresto at isinakay ito sa kanilang “get away” vehicle at saka dinala PDEA central office pero, hindi ipinasok kundi umistambay lamang sila sa harapan ng PDEA office.

Pero ang hindi alam ng mga tiwaling PDEA agents nasundan sila ng kaanak ng kanilang biktimang ginang. Ipinaalam ng kaanak ang insidente sa CIDU.

Hayun sa isinagawang operasyon ng CIDU, naaresto ang tatlong hunghang na ahente ng PDEA. Nabuko ang palso nilang lakad – gusto lang pala nilang kuwartahan ang ale. Kaya kalaboso ngayon ang tatlo at naghihimas ng rehas na bakal sa QCPD – CIDU detention cell.

Nakatakda naman silang kasuhan ng QCPD sa QC Prosecutors Office.

Ano naman kaya ang say dito sa pamunuan ng PDEA. Mismong tauhan nila ang hunghang sa batas laban sa droga?

Nakahihiya ba PDEA Director, Gen. Arturo Cacdac?

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *