SINIMULAN nang balangkasin ng Senado sa pamamagitan ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel, ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Party-list System Act.
Tatlo ang panukalang batas hinggil dito, dalawa rito ay halos magkapareho na isinulong nina Sen. Miriam Defensor-Santiago at Sen. Jingoy Estrada.
Nais nina Estrada at Santiago na sa pamamagitan ng Party-list System ay magkaroon nag mas maraming representasyon ang women sector sa lehislatibo.
Sa panukala ni Santiago, dapat fourty percent ng mga nominee ng bawat registered party-list ay mga babae at dapat ang unang tatlong nominee ay may babae.
Habang sa panukala ni Sen. Jayvee Ejercito, nais niyang tiyakin ng Comelec na ang mga maaprubahan at makalalahok sa halalan ay totoong marginalized sector o underrepresented.
Giit ni Ejercito, may ilang mga party-list na hindi talaga marginalized at may ilang nominee ng mga party-list na hindi talaga nabibilang sa party-list na kinakatawan.
(CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)