KAMAKAILAN ay naglunsad ang mga miyembro ng Land Transportation Office (LTO) ng operasyon sa NAIA laban sa mga mandarayang taxi drivers na bumiyahe sa nabanggit na international terminal passengers.
Ang resulta: nakabitag ang mga awtoridad ng labing isang (11) taxi drivers na dinaraya ang kanilang mga pasahero sa international at domestic terminals ng NAIA.
Naaktohan pa ng LTO team na kinokontrata ng taxi drivers ang pasahero habang ang ilan naman ay humihirit ng dagdag na bayad sa kanilang metro.
May isang driver na huling-huli sa akto na sinisingil ang pasahero ng P1,700 dahil sira raw ang metro n’ya.
Karamihan sa taxi drivers na nasakote ay hindi miyembro ng accredited transport services ng airport,
Matagal na natin binabatikos ang ganitong raket ng taxi drivers sa NAIA. May mga info pa nga tayo na may ilang PNP at APD personnel ang tongpats sa mga tulisang taxi driver.
Sana ay hindi ningas-cogon na naman ang operation ng LTO sa airport. Paulit-ulit na lang kasi ang problemang gaya nito sa NAIA.
Bakit hindi pa kasi maglagay ng isang LTO complaint and action desk sa NAIA para mabigyan proteksyon ang mga pasahero sa airport.
Pwede ba LTO Chairman Asec. Alfonso Tan!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com