Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maegan, wala nang makain kaya nilalantakan ang pagkain sa taping?

ni Ronnie Carrasco III

WALA na bang makain si Maegan Aguilar, kaya ikinatutuwa niyang mag-taping para samantalahin ang libreng pagkain na catered pa?

During a taping break ng isang programa kung naimbitahang panauhin si Maegan, polite pa rin ang pakikitungo sa kanya ng isa sa mga female host nito. Ang siste, nasa iisang mesa lang sila nakaupo.

May buffet naman ng merienda ay kung bakit trip ni Maegan na dumukwang ng pagkain mula sa plato ng host with her bare hands. May dalawang beses daw ginawa ni Maegan ‘yon, to which in all courtesy ay nakangitin pang nagdayalog ang host ng,”Would you like to have my plate?”

Tumango naman daw si Maegan, na nilantakan ang pagkaing nasa plato to think na hindi pa siya nabusog sa pinabiling double cheese burger at the expense of the production, huh!

Just when the production staff thought na solved na si Maegan sa kanyang kinain, takang-taka ang mga ito kung bakit tapos nang i-tape ang episode ay hindi pa rin siya umaalis sa studio.

Hinintay lang naman ni Maegan ang pagdating ng dinner!

No wonder, nanawagan kamakailan si Maegan nang mag-guest sa Startalk na bigyan siya ng trabaho ng mga kapwa taga-industriya.

Which is which, Maegan, trabaho o pagkain sa trabaho?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …