ANG lokasyon, disenyo at feng shui basics ng kusina ay pawang ikinokonsiderang napakahalaga sa good feng shui floor plan. Sa katunayan, ang inyong kusina ay bahagi ng tinatawag na “feng shui trinity,” kabilang ang bedroom at bathroom, dahil sa halaga ng mga ito sa inyong kalusugan at kagalingan.
Kaya, ano ba ang best feng shui positioning ng kusina sa good floor plan at ano ang worst one? Narito ang basic guidelines:
Ang worst feng shui positioning ng kusina ay kung ito ay masyadong malapit sa front door at ito ang unang nakikita sa inyong pagpasok sa bahay. Tandaan na hindi ito applicable sa kusina na malayo sa pintuan na iyong makikita nang bahagya mula sa front entrance; ito ay applicable lamang sa floor plan na literal kang papasok sa pamamagitan ng kusina.
Kahit sa kasong ito, mayroon ding better and worse scenarios. Ang oven na inyong makikita mula sa front door, o naka-align sa front door, ay ikinokonsiderang very bad feng shui. Medyo mainam kung makikita ang magandang view ng inyong kusina, halimbawa ay kitchen island na may mga bulaklak, o mun-ting herb garden para sa good feng shui.
Ang isa pang bad fengshui floor plan kitchen location ay ang kusina sa ilalim ng bathroom, o nakaharap sa bathroom door (ang bathroom door na malapit sa oven o kitchen island ang maituturing na “worst”).
Lady Dee