ni Peter Ledesma
Sa bibig na mismo ni Paulo Avelino nanggaling na hindi sila umabot ni KC Concepcion sa next level ng kanilang relasyon. Kaya malinaw na hindi na-ging sila ng singer-actress. Gustohin man raw kasi ni Paulo na maging official na sana ‘yung sa kanila ni KC pero mahirap daw lalo’t madalas sa ibang bansa ang babaing kanyang inaasam na maging girlfriend. Mahirap raw pala talaga kapag long distance so, tanggap na niya ang nangyari sa kanila ng mega daughter. Pero, kahit na nag-deny na si Paulo na wala ngang namamagitan sa kanila ni KC ay patuloy pa rin ang pagkalat ng isyung buntis ang actress at tila ang pinagbibintangan nilang nakadisgrasya ay si Paulo. Para matigil na ang mga espekulasyon, nagsalita na si KC na nasa New York ngayon at kanyang ini-post sa Instagram Account. Kabilang sa post niya ang picture habang nagwo-work out. Narito ang statement ni Kassandra. “Once & for all: What is this rumor that I’m “pregnant”??? I AM NOT PREG-NANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life. Someone tried to spread this rumor since I left for Paris at 18 & wow now it’s back? Please. “When the times comes that I would be blessed with a beautiful baby I will be the first one to proudly announce it to my family, friends, supporters and loved ones. Although I don’t want to be rushed … I honestly can’t wait for that day … Have a happy day, beautiful people!!! Let’s work on getting fit, healthy & happy,” say pa ni KC. Hayan very clear na hindi preggy ang actress at totoo ang kanyang sinasabi lalo pa’t wala naman siyang boyfriend o Papa. Halatang may taong gusto lang sirain si KC at wala na silang ginawa kundi ang mag-imbento ng istorya. Matagal na rin nasa New York si KC dahil nagma-master siya ng acting. Pero kapag may mga committment siya sa bansa ay agad naman umuuwi rito ang dalaga then balik uli sa States. Loud and clear na gyud!
NEGOSYONG VITAMINS, MAS PALALAWAKIN PA NG BUSINESSWOMAN NA SI YVONNE BENAVIDEZ
Last month, sa ipinatawag na mini-presscon ng kilalang businesswoman na CEO at General Manager ng MEGA C na si Ma’am Yvonne Benavidez para sa alagang singer at endorser na si Tyrone Oneza, sabay silang humarap ni Tyrone sa mga invited na entertainment press. Bukod sa career ni Tyrone, na nasa mabuting kamay nga-yon ang hunky artist, ay ibinida rin ni Ma’am Yvonne na gusto niyang palawakin pa ang kanyang negosyong vitamins kasama na sa kanilang plano ang mas malawak na distribution nito at magdagdag pa ng ilang mga produkto sa ilalim ng kanilang company. Para mas lalo pang mapalaganap at makilala nang husto ang kanilang MEGA C, aktibo na ngayon ang nasabing controversial na businesswoman sa usong-usong networking na maganda ang kanilang offer sa lahat ng mga gustong sumali sa kanila at gustong magkaroon ng maliit na negosyo. Kaya sa mga gustong mag-sideline sa negosyong ito na madali lang kumita: Para maging member ay mamuhunan lang ng ha-lagang P1,980 sa starter package na 3 boxes ng Mega C na P750 bawat box at ‘yung kanilang Builders Package worth P7,980 na 12 boxes ng MEGA C, P550 per box na lang ang inyong babayaran. Sa mga interesado magtungo lamang sa MEGA C Health Ventures Inc., sa Dasman III Bldg. # 1680 Evangelista cor. Del Pilar St., Bangkal, Makati City.
Kasama rin sa maraming plano ni Ma’am Yvonne ay ang charity work na maghahandog ang MEGA C ng medical mission sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at siyempre ka-join dito ang kanyang Mega C Baby Singer na si Tyrone na siyang bahala sa entertainment. Say pa ng magandang enterprenueur mag-e-enjoy raw ang mga tao dahil habang sinusuri sila at binibigyan ng mga gamot ay may kumakanta pa sa harapan nila. Masarap daw sa pakiramdam na may music sa paligid mo at gagaling ka kaagad. Sinisiguro niya na ang kanilang Vitamins C, na non-acidic ay makaiiwas na sa sakit ang mga iinom at magkakaroon pa ng instant healthy body.
ANOTHER BATCH OF EBEST SCHOLARS THIS YEAR
Pagkatapos namin ipakilala ang 15 students na kabilang sa 2nd Batch ng EBest Scholars ng Eat Bulaga, narito ang nalalabing 15 pa na galing sa iba’t ibang parte ng Pilipinas na kokompleto sa listahan sa mga pag-aaralin nang libre ng Eat Bulaga sa kolehiyo sa darating na pasukan at sila ay sina: Charry Xenogacio ng Samar; Lemuel Butilla ng Agusan del Norte; Justin Dulan ng Muntinlupa; Eries Isiderio of Capiz; Jobelle Galang ng Benguet; Ferdinand Ramos of Oriental Mindoro; Regine Talisayon from Quezon Province; Sonny de Lara, Jr. from Tondo; Jess Artega from Albay; Edwin Salazar, Jr. ng GENSAN; Sherlyn Calay ng Romblon; Mark Louie Castañeda ng Aurora Quezon; Danielle Hanna Marasigan na galing naman ng Batangas; Kurt Hostallero ng Batanes; at mula sa Jolo, Sulu, Minda-nao na si Eldisin Hernani na kababayan nating Muslim. Wala nang iintindihihin pa ang mga nabanggit na estud-yante at mga magulang dahil sagot na ng Eat Bulaga ang lahat ng mga gastusin nila sa kanilang pag-aaral hanggang makatapos sila. Bukod pa riyan, may matatanggap rin silang monthly allowance mula sa nasabing programa.
Mga very lucky gyud!