Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katawan ni Rodjun, pinag-papantasyahan

ni Roldan Castro

NAIILANG ba si Rodjun Cruz kapag pinagpapantasyahan siya dahil nakikita ang ganda ng katawan niya sa isang show?

“Ako po para sa akin hindi po ako naiilang. Thankful ako siyempre ang daming lalaki na magaganda ang katawan, na guwapo, na talented, and mapabilang lang ako roon, mapansin lang ako ng mga tao, na parang, ‘Uy ang ganda ng katawan nito! ‘Ang hot nito!’

“Siyempre nakatutuwa po sa akin dahil ‘yung pinaghihirapan ko po sa gym, ‘yung disiplina and ‘yung effort po sa lahat ng ginagawa ko, so thankful ako ‘pag napapansin po ako.

“At saka siyempre ‘yung kumbaga hindi sila nagsasawa kasi siyempre iyon ‘yung mahalaga roon,” deklara niya.

Carry ba niya kung may butt exposure siya sa pelikula?

“Puwede!

“Kung alaga po ‘yung eksena at saka ‘yung wholesome pa rin ‘yung dating. kasi ‘yung ‘Magic Mike’, ‘di ba, hindi naman po siya ‘yung ano, parang sexy lang ‘yung dating niya,” tugon niya.

Anyway, happy ang lovelife ni Rodjun, pitong taon na sa July ang relasyon nila niDianne Medina na isa ring artista at news anchor sa PTV channel 4.

Hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

“Hindi pa kasi nag-start po kami ng bata and ngayon mas nag-focus po kami sa work namin.

“Siya kasi government channel nagnu-news siya. Tapos freelance naman siya, nagwo-work siya sa ABS and TV5.

Itinanggi rin ni Rodjun na nagli-live in na sila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …