HINDI nababahala ang Malacañang sa napabalitang ‘brain drain’ sa DoST na naglilipatan sa abroad ang weather forecasters, volcanologists at iba pang scientists.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, gumagawa sila ng mga programa para akitin ang bagong graduates para magtrabaho sa bansa.
Ayon kay Coloma, nauunawaan nila ang market forces na inaalok nang mas malalaking sahod at benepisyo ang skilled workers sa bansa.
“Tinutugunan po ng ating pamahalaan ‘yan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa para akitin ang mga mahuhusay na siyentipikong nagtatapos sa iba’t ibang pamantasan na mag-apply at ma-empleyo sa ating pamahalaan. Pero dapat din nating kilalanin ‘yung pag-iral ng tinatawag nating market forces, ano. ‘Yung mga mayroong talent at dunong sa isang larangan, natural lamang para sa kanila na humanap ng pinakamainam na kompensasyon na naaayon sa antas ng kanilang kahusayan,” ani Coloma.
(ROSE NOVENARIO)