Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Air 21 vs Meralco

PATULOY na pag-angat buhat sa ibaba ang pakay ng Meralco sa duwelo nila ng Air 21 sa PLDT Home TVolution PBA Governors Cup mamayang 5:45 pm sa Philsports Arena sa Pasig City.

Magkikita naman sa ganap na 8 pm ang maghihiwalay ng landas na Alaska Milk at Rain Or Shine na kapwa may 2-3 records.

Napatid ang four-game losing skid ng Bolts nang maungusan nila ang Aces, 88-87 noong Linggo.

Nakatulong ng malaki ang pagbabalik sa active duty ni Mike Cortez na nagtapos nang may 19 puntos. Ang Meralco ay nakakuha ng 21 puntos kay Mario West, 20 kay Cliff Hodge at 16 kay Reynell Hugnatan.

“Its been a trying conference for us. When one player becomes healthy, the other one goes down. Resilience, courage in pain, courage in adversity, in one word, we call it fortitude,” ani Meralco coach Paul Ryan Gregorio na hindi nawawalan ng pag-asang papasok sila sa susunod na round.

Natalo ang Air 21 sa Talk N Text, 102-91 noong Lunes at bumagsak sa 3-2.

Ang Express ay sumasandig sa import na si Dominique Sutton na sinusuportahan nina Paul Asi Taulava, Joseph Yeo, Merk Cardona at Aldrech Ramos.

Ang Rain Or Shine ay galing sa 96-93 panalo kontra Barako Bull. Dahil sa dikit na panalo ay nasabi ni coach Joseller “Yeng” Guiao na, “We’re still struggliing. We havent reached our peak performance, pahirapan talaga every game sa amin. If we can be at the 50% mark, then we can be a little bit more optimistic.”

Ang Aces, na ngayon ay hawak ni head coach Alex Compton, ay galing sa back-to-back na kabiguan. Bago natalo sa Meralco, ang A ces ay pinayuko ng Air 21, 91-88.

Sa import match-up ay magduduwelo sina Arizona Reid ng Rain Or Shine at Henry Walker ng Alaska Milk.

Makakatuwang ni Reid sina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Arana at Beau Belga. Katulong naman ni Walker sina Joaquim Thoss, Calvin Abueva, Cyrus Baguio, JVee Casio at Gabby Espinas.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …