Saturday , November 23 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 11)

NALUNGKOT SI ROBY NANG GAWING VIDEOKE BAR ANG DATI NILANG TIRAHAN

“H-hindi ko nakita… P-pero alam kong engkanto ang sumakal sa leeg ng mister ko,” ayon pa sa asawa ng albularyo.

Agaw-dilim at liwanag nang lisanin ng grupo ni Roby ang bahay ng albularyo sa gitna ng ilang.

“Nakapangingilabot naman ‘yung kwento ni Lola. Grabe!” ani Zaza, yakap ang sarili.

“Pati nga buhok ko sa ilong, e, nangalisag. Over naman talaga   sa ka-horror-an,” sabi naman ni Bambi na nakahilig sa balikat ni Zabrina sa loob ng van na minamaneho ni Jonas.

Itinuro ni Roby kay Jonas ang daan patungo sa dati nilang tirahan kung saan sila lumaki ni Zabrina.

“Karaoke bar ang narito, Roby,” pagtuturo ni Jonas sa establisimyento na tinumbok ng minamaneho nitong van.

“Dito ba talaga ang lugar n’yo?” panga-ngalabit ni Zaza kay Zabrina.

“Hindi kami pwedeng maligaw ni Kuya Roby… Dito kami kapwa nagtapos ng elementarya,” ang mariing sabi ni Zabrina.

Napailing at napapalatak si Roby.

“G-ginawa palang karaoke ang luma naming bahay,”aniya na nakadama ng lungkot sa pagkawala ng kanilang tirahan noon na may malaking bahagi sa kanyang buhay.

Pawang mga batambata at seksing GRO ang nakaistambay sa makalabas ng entrance ng karaoke bar. Nang-aakit ang mga ito sa mga kalalakihang napaparaan doon. Labas-masok din doon ang mga kalalakihang kostumer.

Nagpasiya si Roby na ipadiretso na lamang kay Jonas ang minamaneho nitong sasakyan sa tinutuluyan nilang hotel.

“Kaninang naro’n tayo sa tapat ng karaoke bar ay may naramdaman akong kakaiba sa paligid,” bulong ni Zaza kay Bambi.

“Ako rin, ‘te… ‘di maganda sa akin ang vibes ng lugar na ‘yun…” At umarko ang mga kilay ng bading sa grupo nina Roby.

Nang mga sandaling ‘yun, sa bubungan ng karaoke bar ay isa-isa nang naglapagan ang sari-saring engkanto: tikbalang, asuwang, tiyanak, atbp. Sa loob ng karaoke bar nagtuloy ang mga maligno. Nakihalubilo ang mga ito sa mga taong mortal na naroroon. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *