DAAN-DAAN katao ang naaresto ng Manila police kasunod nang pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa illegal gambling sa kanilang inilatag na Oplan Galugad.
Sa pinakahuling datos, nasa 300 katao ang dinakip sa loob ng dalawang buwan implementasyon ng Oplan Galugad, pinakahuli rito ang 9 katao nahuli sa nakalipas na 24-oras sa aktong lumalabag sa Presidential Decree 1602 sa rail road track, Pilar St., Tondo.
Ayon kay MPD Director, Supt. Rolando Asuncion, obligado ang mga police commander at kanilang mga tauhan na ipatupad ang kampanya laban sa illegal gambling.
Hindi aniya makalulusot sa pulisya at lahat ng dibisyon ng MPD ang mga sangkot sa illegal gambling.
(leonard basilio)