Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald at Maja, madalas mag-away (Sa sobrang pagiging seloso ng actor)

ni Roldan Castro

TOTOO bang madalas na pag-awayan ngayon nina Gerald Anderson at Maja Salvador ang pagiging seloso ng una?

Bagamat part ng show ni Maja ang magpakilig, na-feature sa isang news program ang pagkuha niya sa stage ng isang batang gobernador.

Totoo ba na naging big deal ito kay Gerald?

Kahit daw ang mga intimate scene ni Maja kay Jericho Rosales sa The Legal Wife ay pinagselosan din?

Kung totoo man ito, hindi ba naiintindihan ni Gerald ‘yun samantalang pareho lang silang artista at parte lang ito ng trabaho?

Boom!

DK, MALULUMA ANG MATINEE IDOL SA KASIKATAN SA GERMANY

BILIB talaga kami sa tinatamasang tagumpay at popularidad ng Pinoy singing sensation na si DK Valdez sa Europe particularly sa Germany.  At ngayong June 14, kakanta siya sa 60th celebration para sa Philippines-Germany Diplomatic Relationship at 116 Years anniversary para sa proclamation ng Philippine Independence na gaganapin sa Burgplatz Essen Germany.

Thru DK, nabigyan kami ng imbitasyon ng Philippine Embassy at ng Mayor ng Essen para i-cover ang nasabing historical festivities. Thankful din kami dahil granted ang visa namin at paalis na kami sa Friday para maglibot sa Europa.

Magsisilbing memorable kay DK ang naturang okasyon dahil for the first time, kakantahin niya ang kanyang latest single na I Love You para sa kanyang second album. Yes, magsisilbing launching na rin ito ng naturang awitin at sa naturang event ay mamimigay siya ng T-shirts, meet and greet at autograph signing and picture taking na rin.

Masuwerte talaga si DK dahil nagka-career siya sa ibang bansa. Ilang taon na rin siyang pabalik-balik sa Europe para mag-perform bukod sa Thailand, Singapore, Hongkong etc..

Kung pagbabasehan ang fans na kilig na kilig sa kanyang performance na nakikita sa Facebook account niya, aba’y lulumain ang mga matinee idol ng Pilipinas sa sobra niyang kasikatan.

Paborito rin siyang kuning performer ng mga Pinoy organization doon. Noong May 29 ay special guest siya sa Santacruzan  sa Frankfurt. Kumanta rin siya sa Kleopatra The Musical sa Germany. Malaki ang pasasalamat ni DK sa kababayan nating si Virgilio Cuizon, ng ALAEH Production at si Kuya Virgilio rin ay ABS-CBN correspondent ng  Balitang Europe Global.

Sa June 19 ay aalis na siya sa Germany para asikasuhin sa Thailand  ang pagpapaayos ng musika para sa kanyang album. Then, matagal siyang mag-i-stay sa Pilipinas para  i-promote ang album. Naging leksiyon na sa kanya na ‘di natutukan ang promo ng first album dahil lagi siyang umaalis sa bansa.

Nasa record bars pa rin ang kanyang album na DK Valdez: Its All About Love na nanalo siya ng Best New Male Recording Artist sa PMPC Star Awards for  Music noong 2012.

May natapos din siyang MTV para sa kanta niyang Tatanggapin Pa Ba Kita na nai-shoot sa Thailand with Thai models kaya international na international singer na talaga siya in the truest sense of the word.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …