Sunday , December 22 2024

DepEd 100 % handa raw… e sa remote places – kabundukan kaya?

BALIK eskuwela – nag-umpisa na kahapon, ang elementary at high school sa mga pampublikong paaralan – eskuwelahang pinatatakbo ng gobyerno.

Iniyayabang ng Department of Education (DepEd) na siyento por siyentong nakahanda na ang lahat – hindi lang iyong problema sa silid aralan kundi maging sa libro umano. One is to one na raw ang ratio ng libro. Bawat mag-aaral ay may kanya-kanya nang libro mulang pamahalaan.

Good job and ‘am glad to hear this news, lamang, hindi kaya isang praise release ang lahat? Sana hindi at sana totoo ang lahat.

Pero baka naman sa Metro Manila lang ang maayos pero sa iba’t ibang sulok ng bansa ay hindi. Tulad na lamang ng isang patunay na napanood ko sa isang documentary show sa isang TV network.

Ipinakita sa palabas na ito ang kainutilan ng gobyerno – ang kasinungalingan ng gobyerno – ang kasinungalingan ng DepEd.

Kasinungalingan na maayos daw na ang lahat – opo baka rito lang sa Metro Manila ang maayos ang lahat dahil maraming ‘mata’ dito habang sa mga lalawigan lalo na sa remote places ay kinalilimutan ng gobyerno pero mayroon naman silang inilalaang pondo para rito.

Ang masaklap kapag nasisita ang gobyerno hinggil sa pagkukulang, nangangatuwiran pa sila. Kesyo ibinulsa daw ng nakaraang administrasyon ang pondo…kesyo hindi raw ginawa ng lokal na pamahalaan ang tungkulin nila para sa mga mag-aaral.

Sige ipagpalagay natin na totoo ang palusot na ito ngunit, tatlong taon nang mahigit ang sinasabing tuwid na administrasyon. Ano ang ginawa nilang solusyon para sa nadatnan nilang problema sa edukasyon lalo na ang mga liblib o kabundukan na lugar? Mayroon ba? Mayroo naman pero hilaw ang kanilang solusyon – marami pa rin mga eskuwelahan na kapos sa pasilidad. Hindi lang sa pasilidad kundi maging sa guro.

Nakalulungkot nga iyong napanood ko. Sa nag-iisang classroom ay sama-sama na ang lahat ng mag-aaral. Grade one hanggang grade four…at iisang guro lang ang nagtuturo.

Nakalulungkot man pero saludo ako sa guro. Masasabing siya ay isang bayani sa kanyang ipinakita o ginawa. Akalain n’yo, sa kabila ng lahat – kahirapan sa pagpunta sa skul, hindi pa rin siya sumusuko.

Ilang guro rin ang ipinakita sa palabas na iyon, mayroon isang guro “volunteer teacher” na ang kanyang suweldo lang ay P3,000 kada buwan pero, hanep. Saludo talaga ako sa guro.

Kaya ang punto natin ngayon, bago sana magmayabang ang DepEd, tiyakin muna nila ang tunay na kalagayan ng bawat paaralang pinatatakbo ng ahensya. Hindi lang Metro Manila ang Filipinas kundi ang mga liblib na lugar ay bahagi rin ng bansa.

Ang lokal na pamahalaan naman …sina congressman, sina mayor, sina governor…sina konsehal…ang gagaling lang kapag panahon ng halalan. Mga pu…sa kayo. Nasaan ang pondong nakalaan para sa mga paaralan sa ilalim ng lokal na pamahalaan?

Sana naman kung anong galing n’yo…kung anong sipag ninyo ‘pag eleksyon ay ganoon din kayo para sa edukasyon ng mga mag-aaral.

Filipinas nga naman…kasi sino’ng uupo sa Palasyo ay walang pagbabago. Nakapokus pa rin sila sa politikahan.

Masubukan nga ang iniyayabang ng DepEd kung totoo.

Totoo nga bang wala nang shortage sa lahat para sa academic year 2014-2015?

Text lang kayo sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *