Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Zion, ipakikita sa publiko (Pagkatapos umaming may anak na sina Richard at Sarah)

ni John Fontanilla

“Y es, I’m a proud father,” ito ang rebelasyon ni Richard Gutierrez sa reality show ng kanilang pamilya. Kaya hindi naiwasang maiyak ni Sarah Lahbati sa sobrang saya sa naging pag-amin ni Richard.

Ayon kay Richard, sa mga susunod na episode ng kanilang reality show ay mapapanood ng publiko ang hitsura ng love child nila ni Sarah na si Baby Zion.

Kaya naman sa naging rebelasyon ni Richard at sa pagpapakita ng kanilang anak, tiyak na mas marami ang tututok sa reality show ng Gutierrez family na hindi lang napapanood sa Pilipinas kung hindi sa 20 countries.

Show ng Kapuso stars sa Ever Gotesco, matagumpay

MATAGUMPAY ang katatapos na show ng magkaibigang Jireh at Ms Mj na ginanap sa Ever Gotesco, Ortigas last May 31 na nagsilbing espesyal na panauhin naming.

Dinumog ng ‘di mabilang na tao ang tambalang Jabea—Jake Vargas at Bea Binene.

Hindi rin magkamayaw sa hiyawan ang mga tao nang mag-perform ang ilan pang Kapuso stars na sina Katrina Halili na super sexy pa rin at hindi mo iisiping may isa ng anak, Kapuso tweens na sina Teejay Marquez, Ruru Madrid, Yassi Pressman, Julian Trono, Aki Torio, at ang boy group na 4G na kinabibilangan nina Shaun Salvador, Ken Sarmiento, Kristian Genasky, at Pau Dela Cruz.

GMA STAR, WAGI SA 2014 MR AND MS OLIVE C CAMPUS MODEL SEARCH!

BIG winner sa katatapos na Mr and Ms Olive C Campus Model Search 2014  ang pambato ng UE-Recto Manila na si Ryan Paul Artienda, 17 at ang 15 years old na mula sa St. Paul Quezon City at GMA Tween star na si Ashley Nordstrom na ginanap sa SM City North Edsa, Skydome last May 30, 2014.

Runner-up naman sina Christian Alano ng Colegio De San Lorenzo—Quezon City (Mr. Olive C Luzon), Chester Padilla ng Columban College Inc. (Mr. Olive C Visayas), Virgilio Pedrena Jr. ng FEU—Manila (Mr Olive C Mindanao), Clarisse Perez  ng PUP Manila (Ms Olive C Luzon), Mhon Therese Menaling ng Cebu Doctors University  (Ms Olive C Visayas), at Lyka Dela Cruz ng FEU Manila (Ms . Olive C Mindanao).

Naging espesya na panauhin ang GMA prime artist na si Hiro Magalona Peralta na siya ring kauna-unahang winner ng Mr. Olive C 2011 at ang Viva Artist at Internet Group Sensation na UPGRADE, GMA Tweens Kate Lapuz, at Joshua Joffe (Mr Olive C 2013 finalist), hosted by Mr. John Nite and Jean Harn.

STARDANZ 2014: THE HIPHOP DANCE BATTLE!, MATAGUMPAY!

PUKPUKAN ang naging labanan ng 12 Grand Finalists ng Stardanz 2014: The Hip Hop Dance Battle kamakailan sa StarMall Alabang.

Ang mga sumaling grupo ay ang Fraicks Dancers, M X Crew and Swagnificent from StarMall, Las Pinas; Impromp2 , Illuminati, at Full Blast na mula naman sa StarMall, Alabang;Next to Innocence, Pinoy League of Dancers , M.Y Crew from StarMall, San Jose, Bulacan; atSV Hottraxx, Rizal Underground, at PR Dance Drew naman na mula sa StarMall Edsa/Shaw.

Present ang lahat ng marketing officer ng StarMall branches na sina Ms. Joy Rapadas, Jeffrey Ventura, Roan Grande, William Tagana, Jerry Fagela, at Kat Sanchez. Nagsilbing hurado naman sina Sahara and Diane ng Adlib Dance Crew, Keith De Guzman of Philippine All Stars Mega Crew, Carlyn Ocampo of Pop Girls and yours truly.

Itinanghal na Grand Champion ang Nest To Innocence na nag-uwi ng  P20,000 na nakakuha rin ng special award na Best in Choreography; 1st Runner Up naman ang Rizal Underground na nakapag-uwi ng P10,000 at nanalong Best in Costume samantalang nag-tie naman bilang 2nd Runner Up ang PR Dance Crew at Pinoy League of Dancers na naghati sa P7,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …