Tuesday , December 24 2024

AWOL na parak todas, 2 pa sugatan sa Cavite drug ops

PATAY ang isang pulis habang dalawa ang sugatan sa anti-drug operation sa Brgy. Molino 3, Bacoor City, lalawigan ng Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ang namatay na pulis na si SPO3 Alejandro Ame, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD).

Habang sugatan ang informant na si Alvin Martin at isa pang pulis na si PO1 Leonard Sayagadoro.

Nabatid na nagsasagawa ng surveillance ang mga biktima kasama ang PDEA agent na si Ramiro de Guzman, nang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at isang van ang huminto at sila ay pinagbabaril. Pagkaraan ay agad tumakas ang mga suspek.

(BETH JULIAN)

QC POLICE NA NAPATAY SA CAVITE AWOL — QCPD

Ipinahayag kahapon ng mataas na opisyal ng Quezon City Police District (QCPD), ang namatay na pulis sa nabigong anti-drug operation sa Cavite ay matagal nang AWOL (absent without leave) sa pinaglilingkuran niyang police station sa lungsod.

Ayon kay Supt. Norberto Babagay, hepe ng QCPD Station 4, si SPO3 Alejandre Ame ay itinalaga sa kanyang himpilan nitong Mayo 5 (2014),  pero hindi pa niya kailanman nakikita sa kanyang opisina.

“Itinalaga siya sa ‘min galing Region 2 thru papers lang, pero mismong siya (SPO3 Ame) ay hindi ko nakikita sa opisina,” ani Supt. Babagay.

Dahil dito, dagdag ng opisyal, binigyan niya si Ame ng isang linggo para ayusin ang kanyang assign paper, pero nabigo dahilan para ilagay sa AWOL status.

Giit ni Supt. Babagay, sa isinagawang anti-drug operations na ginawa ni Ame sa Cavite, wala silang kinalaman at kung paano siya napunta sa ganoong operasyon.

“Gusto ko lang malaman nila, oo nga taga-QCPD si Ame, pero wala kaming alam na may lakad siyang ganoong operasyon,” paglilinaw ni Babagay. (Almar Danguilan)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *