Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aktor/TV host, baon na sa utang sa casino (Dahil sa laki ng ipinatalo)

HOW true ang tsikang nakarating sa atin na sobrang namroroblema itong si aktor/TV host lately dahil sa laki ng natalo sa kanya sa pagsusugal. Nangyari umano ito sa Solaire Resort and Casino.

Kaya ang siste, lumipat siya ng ibang mapagsusugalan, this time, sa Resorts World Manila naman siya. Eh, ‘di niya alam, mas grabe pa pala ang mangyayari sa kanya.

Paano naman daw, ayon sa mole na nagtsika sa atin, nakipag-deal ito sa isang jueteng/gambling lord. Kumbaga tandem sila nito sa paglalaro. Ang kaso, hindi niya namalayan na umabot nap ala sa P5-M ang natatalo sa kanya. Kasi naman, makipagsabayan o hindi nagpatalo sa pagtaya ng gambling lord. Kaya ayun, butata siya.

At kaya raw lalong nabaon sa utang ang aktor/TV host, binigyan ito ng credit line ng casino kaya sige lang ito sa pagtaya. Ang narinig naming ay umabot na sa P500-M plus ang utang nito.

At heto pa ang dagdag na tsika, hindi pa nakuntento si aktor/TV host dahil balitang gusto pa nitong sumama sa Macau para roon naman mag-casino.

Naku, kapag hindi nagbago ang aktor/TV host na ito, malamang mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Sayang naman.

(Hataw News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …